Iba't-ibang Uri ng Pag-ibig.
“Ang pag-ibig ay matiisin… may magandang loob;… hindi nananaghili, hindi nagmamapuri, hindi palalo; hindi lumalabag sa kagandahang-asal, di naghahanap ng para sa sarili, di nagagalit, di nag-iisip ng masama; hindi natutuwa sa kasamaan, ngunit ikinagagalak ang katotohanan…” ~unang sulat ni apostol San Pablo sa mga taga-Corinto 13: 1-13
Eros - pagmamahalan sa pagitan ng dalawang tao.
Ito yung uri ng pag-ibig na nagmahal tayo at yung taong minahal nten ay naging parte narin ng buhay naten. Nag mamahal tayo kahit minsan nsasaktan at nabibigo kahit ganun pa man patuloy parin ang buhay.
Storge - pagmamahal sa pamilya.
Ito ang uri ng pag-ibig sa pamilya kahit saan ka magpunta at kahit ano man ang gawin mo pamilya parin sila na tunay na nagmamahal sayo. Pagmamahal ng magulang sa mga anak at mga anak sa kanilang kapatid at magulang,
Philia - pagmamahal sa pagitan ng magkakaibigan.
Ang pagmamahal ng magkaibigan ay masmatindi pa minsan sa tunay na magkapatid. Ang kaibigan nagsasabihan ng mga sekreto sa isa't-isa at mas maganda ang samahan. Pagmamahal sa pagitan ng mga magkakaibigan, ito'y pagmamahal na ipinaparamdam ng mga magkakaibigan sa isa't isa na may iisang layunin sa buhay.
Agape - pagmamahal sa kapwa.
Ang pag-ibig sa kapwa tao ay kailangan sabe nga ng Dios magmahalan tayo sa isa't-isa. Bigyang halaga ang bawat isa ng buong puso.
2015-02-12 |
No comments:
Post a Comment